CEBU
Ang Cebu ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Visayas. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Cebu. Isang mahabang mapayat na pulo ang Cebu na may habang 225 kilometro (140 milya) mula sa hilaga hanggang timog, at napapalibutan ng 167 na kalapit na maliliit na mga pulo, na kinabibilangan ng Pulo ng Mactan, Pulo ng Bantayan, Pulo ng Malapascua, Pulo ng Olango, at ang mga Pulo ng Camotes. Sa daan-daang mga pulo nito, ang iba dito ay hindi tinitirhan na naging dahilan upang maging tanyag ang mga ito sa mga turista.
Kilala ang Cebu dahil sa mga pook nito na may katangian ng isang pulong tropikal gaya ng mga talampas, mga malalawak na dalampasigan. Karamihan din sa Cebu ay maburol, at mabundok hanggang patungo sa hilaga, at patimog ng pulo. Ang pinakamataas na pook sa Cebu ay umaabot sa 1,000 metro. Matatagpuan ang mga kapatagan sa lungsod Bogo at sa mga bayan San Remigio, Medellin, at Daanbantayan, at sa hilagang rehiyon ng lalawigan.
Ang Lungsod ng Cebu ang kabiserang lungsod, ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas, na bahagi ng Kalakhang Cebu kasama ang anim na iba pang mga lungsod ng Lungsod ng Carcar, Lungsod ng Danao, Lungsod ng Lapu-Lapu, Lungsod ng Mandaue, Bogo, at Lungsod ng Talisay, at anim pang mga bayan.
Isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at ang se.ntro ng kalakalan, komersiyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas. Maraming mga otel, casino, mga beaches, at iba pang pook pasyalan ang matatagpuan sa lalawigan
MGA MAGAGANDANG TANAWIN SA CEBU
MINGLANILLA
Kilala sa kanilang natatanging mga simbahan.Dito rin makikita ang mga naglalakihang mga santo.
Kilala ang mga tao dito sa pagiging relihiyoso, lalong lalo na sa kanilang taonang Kabanhawan Festival
Kilala ang mga tao dito sa pagiging relihiyoso, lalong lalo na sa kanilang taonang Kabanhawan Festival
MINGLANILLA
Kilala sa kanilang natatanging mga simbahan.Dito rin makikita ang mga naglalakihang mga santo.Kilala ang mga tao dito sa pagiging relihiyoso, lalong lalo na sa kanilang taonang Kabanhawan Festival
MOALBOAL
Kumikislap at kumikinang na mga buhangin ang syang bubungad sa yo pagtapak mo sa dalampasigan ng moalboal.Dinadayo ito ng mga turista at syang tinaguriang Boracay ng Cebu
GINATILAN
Dito makikita ang payapa at namumukad tanging talon
ang Inambacan Falls
ang Inambacan Falls
OSLOB
Dito mo matatagpuan ang mga naglalakihang butanding (whaleshark). Halos kasing laki ng isang bus ang mga uri nito.
SOGOD
Matatagpuan sa hilagang parte ng Cebu.
Mga nagliliwanag na resort malapit sa dagat ang pinkatampok sa lugar.
Mga nagliliwanag na resort malapit sa dagat ang pinkatampok sa lugar.
PANGKAT 10
CAMILA BAGAPURO
HERSHEY KIM COLLADOS
CHRISTINE PEARL BANDIOLA
DEX LAORENO
JOHN MATTHEW MERCADO